-
1 Samuel 11:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sinabi nila ngayon sa mga mensaherong dumating: “Ito ang sasabihin ninyo sa mga lalaki ng Jabes sa Gilead, ‘Bukas ng tanghali ay ligtas na kayo.’” Nang dumating sa Jabes ang mga mensahero at sabihin iyon sa mga tagaroon, nagsaya sila. 10 Kaya sinabi ng mga lalaki ng Jabes: “Susuko kami sa inyo bukas, at gawin ninyo sa amin kung ano ang gusto ninyo.”+
11 Kinabukasan, hinati ni Saul ang bayan sa tatlong grupo, at nakapasok sila sa gitna ng kampo noong oras ng pagbabantay sa umaga* at pinabagsak nila ang mga Ammonita+ hanggang sa katanghalian. Ang mga nakaligtas ay nagkawatak-watak at nagkani-kaniyang takas.
-