22Kaya umalis doon si David+ at tumakas papunta sa kuweba ng Adulam.+ Nang malaman iyon ng mga kapatid niya at ng buong sambahayan ng kaniyang ama, pinuntahan nila siya roon.
5 Nang maglaon, sinabi ng propetang si Gad+ kay David: “Huwag kang manatili sa kabundukan. Pumunta ka sa lupain ng Juda.”+ Kaya umalis doon si David at nagpunta sa kagubatan ng Heret.
8 Nang marinig ng mga Filisteo na si David ay inatasan* bilang hari sa buong Israel,+ sumugod ang lahat ng Filisteo para hanapin si David.+ Nang marinig iyon ni David, lumabas siya para harapin ang mga ito.