Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 15:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ang hangganan ay paahon pa ng Lambak ng Anak ni Hinom+ papunta sa dalisdis ng mga Jebusita+ sa timog, ang Jerusalem,+ at paakyat sa tuktok ng bundok, na nasa tapat ng Lambak ng Hinom sa kanluran at nasa dulo ng Lambak* ng Repaim sa hilaga.

  • Josue 15:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ang hangganan sa kanluran ay sa Malaking Dagat*+ at ang baybayin nito. Ito ang mga hangganan sa palibot ng teritoryo ng mga pamilya ng tribo ni Juda.

  • 1 Cronica 11:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Tatlo sa 30 pinuno ang pumunta sa malaking bato, kay David na nasa kuweba ng Adulam,+ habang isang hukbo ng mga Filisteo ang nagkakampo sa Lambak* ng Repaim.+

  • 1 Cronica 14:13-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Nang maglaon, sumalakay ulit sa lambak* ang mga Filisteo.+ 14 Muling sumangguni si David sa Diyos, pero sinabi sa kaniya ng tunay na Diyos: “Huwag kang lumusob sa harapan. Sa halip, pumunta ka sa likuran nila, at salakayin mo sila sa harap ng mga halamang* baca.+ 15 At kapag may narinig kang tunog na gaya ng mga yabag sa ibabaw ng mga halamang baca, sumalakay ka na, dahil nauna nang lumabas ang tunay na Diyos para pabagsakin ang hukbo ng mga Filisteo.”+ 16 At ginawa ni David ang iniutos sa kaniya ng tunay na Diyos,+ at pinabagsak nila ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.+ 17 At naging kilala si David sa lahat ng lupain, at natakot sa kaniya ang lahat ng bansa dahil kay Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share