22 Nang makarating sila sa Negeb, pumunta sila sa Hebron,+ kung saan nakatira ang mga Anakim+ na sina Ahiman, Sesai, at Talmai.+ At ang Hebron ay itinayo pitong taon bago ang Zoan ng Ehipto.
14 Ang Hebron ay naging pag-aari ni Caleb na anak ni Jepune na Kenizita bilang mana hanggang sa araw na ito, dahil sumunod siya nang buong puso kay Jehova na Diyos ng Israel.+
7 Kaya binigyan nila ng sagradong katayuan* ang mga lunsod na ito: ang Kedes+ sa Galilea sa mabundok na rehiyon ng Neptali, ang Sikem+ sa mabundok na rehiyon ng Efraim, at ang Kiriat-arba,+ na tinatawag ding Hebron, sa mabundok na rehiyon ng Juda.