Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 12:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pagkatapos, umuwi si Natan sa bahay niya.

      At sinaktan ni Jehova ang bata na ipinanganak ng asawa ni Uria kay David, at ito ay nagkasakit.

  • 2 Samuel 12:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Nang makita ni David na nagbubulungan ang mga lingkod niya, naisip niyang patay na ang bata. Tinanong ni David ang mga lingkod niya: “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila: “Patay na siya.”

  • 2 Samuel 13:10-15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sinabi ngayon ni Amnon kay Tamar: “Dalhin mo sa kuwarto ang pagkain* at pakainin mo ako.” Kaya kinuha ni Tamar ang mga tinapay na hugis-puso na ginawa niya at dinala ang mga ito sa kapatid niyang si Amnon sa kuwarto. 11 Nang dalhin niya ang mga ito para kainin ni Amnon, sinunggaban siya nito at sinabi: “Halika, sumiping ka sa akin, kapatid ko.” 12 Pero sinabi niya rito: “Huwag, kapatid ko! Huwag mo akong ilagay sa kahihiyan; hindi ginagawa ang ganiyan sa Israel.+ Huwag mong gawin ang kahiya-hiyang bagay na ito.+ 13 Ano pang mukha ang maihaharap ko? At ikaw, ituturing kang isa sa kasuklam-suklam na mga lalaki sa Israel. Pakisuyo, kausapin mo ang hari, dahil hindi niya ako ipagkakait sa iyo.” 14 Pero ayaw siya nitong pakinggan, at dinaan siya nito sa dahas at pinagsamantalahan. 15 Pagkatapos nito, nakadama si Amnon ng labis na pagkamuhi sa kaniya—pagkamuhi na mas matindi pa kaysa sa pagkagusto na nadama nito sa kaniya. Sinabi sa kaniya ni Amnon: “Bumangon ka; layas!”

  • 2 Samuel 15:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Agad na sinabi ni David sa lahat ng lingkod na kasama niya sa Jerusalem: “Halikayo, tumakas na tayo.+ Kung hindi, walang makaliligtas sa atin kay Absalom! Dalian ninyo, dahil baka maabutan niya tayo at patayin tayo at ang lahat ng tao sa lunsod!”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share