Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 4:5-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ang mga anak ni Rimon na Beerotita, sina Recab at Baanah, ay nagpunta sa bahay ni Is-boset nang mainit na ang araw, habang nagpapahinga siya sa tanghali. 6 Pumasok sila sa bahay na kunwari ay kukuha ng trigo, at sinaksak nila siya sa tiyan; pagkatapos, tumakas si Recab at ang kapatid niyang si Baanah.+ 7 Noong pumasok sila sa bahay, nakahiga siya sa kama sa kaniyang kuwarto, at sinaksak nila siya at pinatay; pagkatapos, pinugutan nila siya ng ulo. Kinuha nila ang ulo niya at magdamag silang naglakad sa daan papuntang Araba. 8 Dinala nila ang ulo ni Is-boset+ kay David sa Hebron at sinabi sa hari: “Heto ang ulo ni Is-boset na anak ng kaaway mong si Saul+ na gustong pumatay sa iyo.+ Ngayon ay ipinaghiganti ni Jehova ang panginoon kong hari kay Saul at sa mga inapo nito.”

  • 2 Samuel 4:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pagkatapos, inutusan ni David ang mga tauhan niya na patayin sila.+ Pinutol ng mga ito ang mga kamay at paa nila at ibinitin sila+ sa tabi ng tipunan ng tubig sa Hebron. Pero kinuha ng mga ito ang ulo ni Is-boset at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share