36 Pagkatapos, ipinatawag ng hari si Simei+ at sinabi rito: “Magtayo ka ng bahay sa Jerusalem at doon ka tumira; huwag kang aalis doon para pumunta sa ibang lugar. 37 Sa araw na umalis ka at tumawid sa Lambak ng Kidron,+ tiyak na mamamatay ka. Ikaw ang may kasalanan sa sarili mong kamatayan.”