-
Exodo 1:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Sinabi ng mga komadrona sa Paraon: “Iba ang mga babaeng Hebreo sa mga babaeng Ehipsiyo. Malalakas sila at nakapanganak na bago pa dumating ang komadrona.”
-
-
Josue 2:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Kaya ipinasabi ng hari ng Jerico kay Rahab: “Ilabas mo ang mga lalaking dumating at tumutuloy sa bahay mo, dahil nandito sila para manmanan ang buong lupain.”
4 Pero itinago ng babae ang dalawang lalaki. At sinabi niya: “Oo, pumunta rito ang mga lalaki, pero hindi ko alam kung saan sila galing. 5 At nang madilim na, bago magsara ang pintuang-daan ng lunsod, umalis ang mga lalaki. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta, pero kung hahabulin ninyo sila ngayon, maaabutan pa ninyo sila.”
-
-
1 Samuel 19:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Agad na pinababa ni Mical si David sa bintana, para makatakbo ito at makatakas.
-
-
1 Samuel 19:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Nagsugo ngayon si Saul ng mga mensahero para dakpin si David, pero sinabi ni Mical: “May sakit siya.”
-
-
1 Samuel 21:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Sinabi ni David sa saserdoteng si Ahimelec: “May ipinagagawa sa akin ang hari. Pero sinabi niya, ‘Walang dapat makaalam sa misyon at sa mga tagubiling ibinigay ko sa iyo.’ May usapan kami ng mga tauhan ko na magkita sa isang lugar.
-