18 Kaya agad na kumuha si Abigail+ ng 200 tinapay, dalawang malalaking banga ng alak, limang tupa na nakatay na, limang seah* ng binusang butil, 100 kakaning pasas, at 200 kakaning gawa sa piniping igos. Ipinasan niya ang mga iyon sa mga asno.+
2 Sinabi ng hari kay Ziba: “Bakit dinala mo ang mga ito?” Sumagot si Ziba: “Ang mga asno ay para may masakyan ang sambahayan ng hari, ang tinapay at ang mga prutas na pantag-araw ay para may makain ang iyong mga tauhan, at ang alak ay para may mainom ang mga napagod sa ilang.”+