-
2 Samuel 3:2-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Samantala, nagkaroon si David ng mga anak na lalaki sa Hebron.+ Ang panganay niya ay si Amnon,+ kay Ahinoam+ ng Jezreel. 3 Ang ikalawa niya ay si Kileab kay Abigail+ na biyuda ni Nabal na Carmelita, at ang ikatlo ay si Absalom+ na anak ni Maaca, na anak ni Talmai+ na hari ng Gesur. 4 Ang ikaapat ay si Adonias+ na anak ni Hagit, at ang ikalima ay si Sepatias na anak ni Abital. 5 Ang ikaanim ay si Itream, na anak ni David kay Egla. Ito ang mga naging anak ni David sa Hebron.
-