10 Pagkatapos, nagsugo si Absalom ng mga espiya sa lahat ng tribo ng Israel. Sinabi niya sa kanila: “Kapag narinig ninyo ang tunog ng tambuli, isigaw ninyo, ‘Si Absalom ay naging hari sa Hebron!’”+
12 Pagkatapos, nang ialay ni Absalom ang mga handog, ipinatawag niya si Ahitopel+ na Gilonita, ang tagapayo ni David,+ mula sa lunsod nito na Gilo.+ Ang sabuwatan ay patuloy na tumitindi, at dumarami ang mga sumusuporta kay Absalom.+