-
2 Samuel 4:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Ang anak ni Saul na si Jonatan+ ay may lumpong anak na lalaki.+ Limang taóng gulang siya nang dumating ang balita mula sa Jezreel+ tungkol kina Saul at Jonatan, at binuhat siya ng kaniyang yaya at tumakas, pero dahil natataranta ito habang tumatakas, nahulog siya at nalumpo. Ang pangalan niya ay Mepiboset.+
-
-
2 Samuel 9:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Sasakahin mo ang lupain para sa kaniya—ikaw at ang iyong mga anak at mga lingkod—at titipunin mo ang mga ani nito na magiging pagkain ng sambahayan ng apo ng iyong panginoon. Pero si Mepiboset, ang apo ng iyong panginoon, ay laging kakaing kasama ko sa aking mesa.”+
Si Ziba ay may 15 anak na lalaki at 20 lingkod.+
-