16 Mula sa kaitaasan ay inabot niya ako;
Hinawakan niya ako at iniahon mula sa malalim na tubig.+
17 Iniligtas niya ako mula sa malakas kong kaaway,+
Mula sa mga napopoot sa akin na mas malakas kaysa sa akin.+
18 Sinalakay nila ako sa araw ng aking kagipitan,+
Pero tinulungan ako ni Jehova.
19 Inilabas niya ako papunta sa isang ligtas na lugar;
Iniligtas niya ako dahil nalulugod siya sa akin.+