-
1 Cronica 21:8-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Sinabi ni David sa tunay na Diyos: “Malaking kasalanan ang nagawa ko.+ Pakisuyo, patawarin mo ang pagkakamali ng iyong lingkod,+ dahil malaking kamangmangan ang nagawa ko.”+ 9 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Gad,+ ang lingkod ni David na nakakakita ng pangitain: 10 “Pumunta ka kay David at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Bibigyan kita ng tatlong mapagpipilian. Pumili ka ng isa na gagawin ko sa iyo.”’” 11 Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi rito: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Mamili ka: 12 magkakaroon ng tatlong-taóng taggutom,+ o sa loob ng tatlong buwan ay tatalunin ka ng mga kalaban mo at maaabutan ka ng espada ng mga kaaway mo,+ o tatlong araw na pupuksa ang espada ni Jehova—salot sa lupain+—at pupuksa ang anghel ni Jehova+ sa buong teritoryo ng Israel.’ Pag-isipan mo ang isasagot ko sa nagsugo sa akin.” 13 Sinabi ni David kay Gad: “Hirap na hirap ang loob ko. Pakisuyo, mahulog nawa ako sa kamay ni Jehova, dahil napakamaawain niya.+ Huwag mo akong hayaang mahulog sa kamay ng tao.”+
-