Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 7:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Huwag kayong makipag-alyansa sa kanila sa pag-aasawa. Huwag ninyong ibigay ang inyong anak na babae sa anak nilang lalaki o kunin ang anak nilang babae para sa inyong anak na lalaki.+ 4 Dahil itatalikod nila sa akin ang inyong mga anak at maglilingkod ang mga ito sa ibang mga diyos;+ at lalagablab ang galit ni Jehova at agad kayong lilipulin.+

  • 1 Hari 7:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ang bahay* na titirhan niya ay nasa ibang looban+ at nakahiwalay sa Bulwagan,* at magkahawig ang pagkakagawa ng mga ito. Nagtayo rin siya ng bahay na kahawig ng bulwagang ito para sa anak ng Paraon, na kinuha ni Solomon bilang asawa.+

  • 1 Hari 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Ang anak na babae ng Paraon+ ay umalis sa Lunsod ni David+ at nagpunta sa sarili niyang bahay na itinayo ni Solomon para sa kaniya; pagkatapos, itinayo ni Solomon ang Gulod.*+

  • 1 Hari 11:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pero si Haring Solomon ay umibig sa maraming babaeng banyaga+ bukod pa sa anak ng Paraon:+ mga babaeng Moabita,+ Ammonita,+ Edomita, Sidonio,+ at Hiteo.+

  • Nehemias 13:25-27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Kaya sinaway ko ang mga Judiong iyon at isinumpa sila at sinaktan ang ilan sa mga lalaki+ at binunot ang kanilang buhok, at sinabi ko: “Sumumpa kayo sa Diyos na hindi ninyo ibibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki at hindi ninyo tatanggapin ang sinuman sa kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki o para sa inyong sarili.+ 26 Hindi ba ito ang dahilan kaya nagkasala si Haring Solomon ng Israel? Walang haring tulad niya saanmang bansa;+ minahal siya ng kaniyang Diyos+ at ginawang hari sa buong Israel. Pero kahit siya, nagkasala dahil sa mga asawang banyaga.+ 27 Kaya paano ninyo nagawa ang napakalaking kasalanang ito na mag-asawa ng mga babaeng banyaga at maging di-tapat sa Diyos?”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share