-
2 Cronica 1:7-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Nang gabing iyon, nagpakita ang Diyos kay Solomon at nagsabi: “Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?”+ 8 Sinabi ni Solomon sa Diyos: “Nagpakita ka ng dakila at tapat na pag-ibig sa ama kong si David,+ at ginawa mo akong hari kapalit niya.+ 9 Ngayon, O Diyos na Jehova, matupad nawa ang pangako mo sa ama kong si David,+ dahil ginawa mo akong hari sa isang bayan na sindami ng mga butil ng alabok sa lupa.+ 10 Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman+ para manguna sa bayang ito,* dahil sino ang makahahatol sa napakalaking bayan mong ito?”+
-