Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 tiyakin ninyo na ang aatasan ninyong hari ay ang pinili ng Diyos ninyong si Jehova.+ Mag-atas kayo ng hari mula sa mga kapatid ninyo. Hindi ninyo puwedeng atasan bilang hari ang isang dayuhan na hindi ninyo kapatid. 16 Pero hindi siya dapat magparami ng kaniyang kabayo+ at hindi niya dapat pabalikin ang bayan sa Ehipto para kumuha ng mga kabayo,+ dahil sinabi sa inyo ni Jehova, ‘Huwag na huwag kayong babalik sa Ehipto.’

  • 1 Hari 10:24-26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 At ang mga tao sa buong mundo ay pumupunta kay* Solomon para mapakinggan ang karunungang inilagay ng Diyos sa puso niya.+ 25 Bawat isa sa kanila ay nagdadala ng regalo—mga kagamitang pilak, mga kagamitang ginto, damit, sandata, langis ng balsamo, kabayo, at mula*—at ganiyan ang nangyayari taon-taon.

      26 At patuloy na nagtipon si Solomon ng mga karwahe at kabayo;* mayroon siyang 1,400 karwahe at 12,000 kabayo,*+ at inilagay niya ang mga iyon sa mga lunsod ng karwahe at sa Jerusalem malapit sa hari.+

  • 2 Cronica 1:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Patuloy na nagtipon si Solomon ng mga karwahe* at kabayo;* mayroon siyang 1,400 karwahe at 12,000 kabayo,*+ at inilagay niya ang mga iyon sa mga lunsod ng karwahe+ at sa Jerusalem malapit sa hari.+

  • 2 Cronica 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Bawat karwahe na inaangkat mula sa Ehipto ay nagkakahalaga ng 600 pirasong pilak, at ang isang kabayo ay nagkakahalaga ng 150; at ibinebenta nila ang mga ito sa lahat ng hari ng mga Hiteo at sa mga hari ng Sirya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share