Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kapag umupo na siya sa trono ng kaharian niya, gagawa siya ng sariling kopya* ng Kautusang ito, na iniingatan ng mga saserdoteng Levita.+

      19 “Mananatili iyon sa kaniya, at babasahin niya iyon sa bawat araw ng buhay niya,+ para matuto siyang matakot sa Diyos niyang si Jehova at masunod niya ang lahat ng salita sa Kautusang ito at ang mga tuntuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga iyon.+

  • 1 Hari 8:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 At ngayon, O Jehova na Diyos ng Israel, tuparin mo ang ipinangako mo sa lingkod mong si David na aking ama nang sabihin mo: ‘Sa angkan mo manggagaling ang lahat ng uupo sa harap ko sa trono ng Israel kung magiging palaisip ang mga anak mo sa pamumuhay nila sa pamamagitan ng paglakad sa daan ko, gaya ng ginawa mo.’+

  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, anak kong Solomon, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang buong puso+ at may kagalakan,* dahil sinusuri ni Jehova ang lahat ng puso,+ at nalalaman niya ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang makita mo siya,+ pero kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share