Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 5:11-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Nang lumabas ang mga saserdote mula sa banal na lugar (dahil ang lahat ng saserdoteng naroon ay nagpabanal ng sarili,+ anuman ang pangkat nila),+ 12 ang lahat ng mang-aawit na Levita+ na pinangungunahan ni Asap,+ ni Heman,+ ni Jedutun,+ at ng kanilang mga anak at kapatid ay nadaramtan ng magandang klase ng tela at may hawak na mga simbalo,* instrumentong de-kuwerdas, at alpa; nakatayo sila sa silangan ng altar, at may kasama silang 120 saserdote na humihihip ng mga trumpeta.+ 13 Habang sama-samang pumupuri at nagpapasalamat kay Jehova ang mga humihihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit, at habang naririnig ang tunog ng mga trumpeta, simbalo, at iba pang instrumentong pangmusika kasabay ng pagpuri nila kay Jehova, “dahil siya ay mabuti; ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,”+ ang bahay, ang bahay ni Jehova, ay napuno ng ulap.+ 14 Hindi makapaglingkod ang mga saserdote dahil sa ulap, dahil napuno ng kaluwalhatian ni Jehova ang bahay ng tunay na Diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share