Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 20:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Kaya ang bayan ay nanatiling nakatayo sa malayo, pero lumapit si Moises sa madilim na ulap na kinaroroonan ng tunay na Diyos.+

  • Deuteronomio 5:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 “Sinabi ni Jehova ang mga utos* na ito sa inyong buong kongregasyon mula sa bundok, mula sa apoy at sa maitim at makapal na ulap,+ sa malakas na tinig, at wala na siyang idinagdag; pagkatapos, isinulat niya ang mga iyon sa dalawang tapyas ng bato at ibinigay sa akin.+

  • 2 Cronica 6:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sinabi ni Solomon nang pagkakataong iyon: “Sinabi ni Jehova na titira siya sa maitim at makapal na ulap.+ 2 Ngayon ay nakapagtayo ako ng isang marangal na bahay para sa iyo, isang matatag na lugar na matitirhan mo magpakailanman.”+

  • Awit 18:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pagkatapos, itinago niya ang sarili niya sa kadiliman,+

      Sa maiitim at makakapal na ulap,

      Na nakapalibot sa kaniya na parang tolda.+

  • Awit 97:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Mga ulap at matinding kadiliman ang nakapalibot sa kaniya;+

      Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng trono niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share