10Pagkatapos, kinuha ni Samuel ang lalagyan ng langis at ibinuhos ang langis sa ulo ni Saul.+ Hinalikan niya si Saul at sinabi: “Pinili* ka ni Jehova bilang pinuno+ ng kaniyang bayan.*+
24 Sinabi ni Samuel sa buong bayan: “Nakikita ba ninyo ang pinili ni Jehova?+ Wala siyang katulad sa buong bayan.” At ang buong bayan ay sumigaw: “Mabuhay ang hari!”
10 Pagkatapos, nagsugo si Absalom ng mga espiya sa lahat ng tribo ng Israel. Sinabi niya sa kanila: “Kapag narinig ninyo ang tunog ng tambuli, isigaw ninyo, ‘Si Absalom ay naging hari sa Hebron!’”+
12 Pagkatapos, inilabas ni Jehoiada ang anak ng hari+ at inilagay sa ulo nito ang korona* at ang Patotoo,*+ at ginawa nila itong hari at pinahiran ng langis. Nagpalakpakan sila at nagsabi: “Mabuhay ang hari!”+