-
1 Hari 3:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 ibibigay ko sa iyo ang hiniling mo.+ Bibigyan kita ng pusong marunong at may kaunawaan;+ wala kang magiging katulad sa sinumang nabuhay noon at wala kang magiging katulad sa hinaharap.+ 13 At ibibigay ko rin sa iyo ang hindi mo hiniling,+ ang kayamanan at kaluwalhatian,+ para walang ibang hari ang maging tulad mo sa buong buhay mo.*+
-
-
2 Cronica 9:22-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Kaya sa lahat ng hari sa lupa, si Haring Solomon ang pinakamayaman at pinakamarunong.+ 23 At ang mga hari sa buong mundo ay pumupunta kay* Solomon para mapakinggan ang karunungang inilagay ng tunay na Diyos sa puso niya.+ 24 Bawat isa sa kanila ay nagdadala ng regalo—mga kagamitang pilak, mga kagamitang ginto, damit,+ sandata, langis ng balsamo, kabayo, at mula*—at ganiyan ang nangyayari taon-taon.
-