-
1 Samuel 8:11-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sinabi niya: “Ito ang karapatang gawin ng haring mamamahala sa inyo:+ Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki+ at ilalagay sila sa kaniyang mga karwahe*+ at gagawing mga mangangabayo,+ at ang ilan ay patatakbuhin niya sa unahan ng kaniyang mga karwahe. 12 At mag-aatas siya para sa kaniyang sarili ng mga pinuno ng libo-libo+ at mga pinuno ng lima-limampu,+ at ang ilan ay mag-aararo para sa kaniya,+ gagapas para sa kaniya,+ at gagawa ng kaniyang mga sandata at mga gamit sa karwahe.+ 13 Kukunin niya ang inyong mga anak na babae para gawing tagagawa ng pabango,* tagapagluto, at panadera.+ 14 Kukunin niya ang pinakamagaganda sa inyong mga bukid, ubasan, at taniman ng olibo,+ at ibibigay niya ang mga iyon sa mga lingkod niya. 15 Kukunin niya ang ikasampu ng inani ninyong mga butil at ubas, at ibibigay niya ang mga iyon sa kaniyang mga opisyal sa palasyo at mga lingkod. 16 At kukunin niya ang inyong mga alilang lalaki at babae, ang inyong pinakamagagandang baka, at ang inyong mga asno, at gagamitin niya ang mga iyon sa gawain niya.+ 17 Kukunin niya ang ikasampu ng inyong mga kawan,+ at kayo ay magiging mga lingkod niya. 18 Darating ang araw na daraing kayo dahil sa haring pinili ninyo,+ pero hindi kayo sasagutin ni Jehova sa araw na iyon.”
-