-
1 Hari 2:31-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Sinabi ng hari sa kaniya: “Gawin mo kung ano ang sinabi niya; pabagsakin mo siya at ilibing at alisin mo sa akin at sa sambahayan ng aking ama ang dugo na pinadanak ni Joab nang walang makatuwirang dahilan.+ 32 Pagbabayarin siya ni Jehova sa dugong pinadanak niya, dahil lingid sa kaalaman ng ama kong si David, pinatay niya sa pamamagitan ng espada ang dalawang lalaki na mas matuwid at mas mabuti kaysa sa kaniya: si Abner+ na anak ni Ner, ang pinuno ng hukbo ng Israel,+ at si Amasa+ na anak ni Jeter, ang pinuno ng hukbo ng Juda.+ 33 Mananagot sa kamatayan nila si Joab at ang mga inapo niya magpakailanman;+ pero kay David, sa mga inapo niya, sa sambahayan niya, at sa kaharian* niya ay magkaroon nawa ng kapayapaan mula kay Jehova magpakailanman.” 34 Kaya umalis si Benaias na anak ni Jehoiada at pinatay si Joab, at inilibing ito sa sarili nitong bahay sa ilang.
-