Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 12:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Lubusan ninyong wasakin ang lahat ng lugar kung saan naglingkod sa mga diyos nila ang mga bansang itataboy ninyo+—sa matataas na bundok, sa mga burol, o sa ilalim ng anumang mayabong na puno. 3 Wasakin ninyo ang mga altar nila, gibain ang mga sagradong haligi nila,+ sunugin ang mga sagradong poste* nila, at pabagsakin ang mga inukit na imahen ng mga diyos nila;+ burahin ninyo ang pangalan ng mga ito sa lugar na iyon.+

  • Isaias 57:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang mga nag-aalab ang damdamin sa gitna ng malalaking puno,+

      Sa ilalim ng bawat mayabong na puno,+

      Na pumapatay ng mga anak sa mga lambak,*+

      Sa ilalim ng mga bitak ng malalaking bato?

  • Jeremias 2:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 ‘Winasak ko noong unang panahon ang pamatok mo,+

      At nilagot ko ang iyong mga kadena.

      Pero sinabi mo: “Hindi ako maglilingkod,”

      Dahil sa bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat mayabong na puno+

      Ay humihilata ka at ipinagbibili ang iyong sarili.+

  • Oseas 4:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Naghahain sila sa tuktok ng mga bundok+

      At nagsusunog ng handog sa mga burol,

      Sa ilalim ng mga puno ng ensina at estorake at bawat malaking puno+

      Dahil malilim sa mga iyon.

      Kaya naman nakikiapid* ang inyong mga anak na babae

      At nangangalunya ang inyong mga manugang na babae.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share