-
1 Hari 10:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Gumawa si Haring Solomon ng 200 malalaking kalasag na gawa sa ginto na may halong ibang metal+ (may 600 siklong* ginto sa bawat kalasag)+ 17 at 300 pansalag* na yari sa ginto na may halong ibang metal (may tatlong mina* ng ginto sa bawat pansalag). Pagkatapos, inilagay ng hari ang mga iyon sa Bahay ng Kagubatan ng Lebanon.+
-
-
2 Cronica 12:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Kaya sinalakay ni Haring Sisak ng Ehipto ang Jerusalem. Kinuha niya ang mga kayamanan sa bahay ni Jehova+ at ang mga kayamanan sa bahay* ng hari. Kinuha niya lahat, pati ang mga gintong kalasag na ginawa ni Solomon.+ 10 Kaya gumawa si Haring Rehoboam ng mga tansong kalasag kapalit ng mga iyon, at ipinagkatiwala niya ang mga iyon sa mga pinuno ng mga bantay,* na nagbabantay sa pasukan ng bahay ng hari. 11 Sa tuwing pupunta ang hari sa bahay ni Jehova, pumapasok ang mga bantay at dinadala ang mga iyon; pagkatapos, ibinabalik nila ang mga iyon sa silid ng mga bantay.
-