-
2 Hari 18:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Siya ang nag-alis sa matataas na lugar,+ nagwasak sa mga sagradong haligi, at pumutol sa sagradong poste.*+ Dinurog din niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises;+ dahil hanggang noong panahong iyon, gumagawa pa rin ang mga Israelita ng haing usok para doon, at tinatawag iyon noon na tansong ahas na idolo.*
-
-
2 Cronica 34:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Bukod diyan, giniba nila sa harap niya ang mga altar ng mga Baal, at pinutol niya ang mga patungan ng insenso na nasa ibabaw ng mga ito. Pinagdurog-durog din niya ang mga sagradong poste,* inukit na imahen, at metal na estatuwa at pinulbos ang mga ito at isinaboy sa ibabaw ng libingan ng mga dating naghahandog sa mga iyon.+
-