-
1 Hari 14:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Mas masahol pa ang ginawa mo kaysa sa lahat ng nauna sa iyo, at gumawa ka para sa sarili mo ng ibang diyos at ng mga metal na imahen para galitin ako,+ at ako ang tinalikuran mo.+ 10 Kaya magpapasapit ako ng kapahamakan sa sambahayan ni Jeroboam, at lilipulin ko ang lahat ng lalaki* sa angkan ni Jeroboam, pati na ang mga hamak at mahihina sa Israel, at wawalisin kong parang dumi ang sambahayan ni Jeroboam+ hanggang sa wala nang matira!
-