-
1 Hari 16:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Pagkatapos, dumating kay Jehu+ na anak ni Hanani+ ang mensaheng ito ni Jehova laban kay Baasa: 2 “Kinuha kita mula sa alabok para gawing pinuno ng bayan kong Israel,+ pero patuloy mong tinularan si Jeroboam at pinagkasala ang bayan kong Israel kaya nagalit ako sa kanila.+ 3 Kaya lilipulin ko si Baasa at ang sambahayan niya, at ang sambahayan niya ay gagawin kong gaya ng sambahayan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat.
-