-
Hukom 9:53, 54Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
53 At isa sa mga babae ang nagbagsak ng pang-ibabaw na bato ng gilingan sa ulo ni Abimelec kaya nabasag ang bungo nito.+ 54 Agad niyang tinawag ang tagapagdala niya ng sandata, at sinabi niya rito: “Hugutin mo ang espada mo at patayin mo ako, para hindi nila sabihin, ‘Isang babae ang nakapatay sa kaniya.’” Kaya sinaksak siya ng tagapaglingkod niya, at namatay siya.
-
-
1 Samuel 31:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Kaya sinabi ni Saul sa tagapagdala niya ng sandata: “Hugutin mo ang espada mo at saksakin mo ako, para hindi ang mga di-tuling lalaking iyon+ ang sumaksak sa akin at nang hindi nila ako mapahirapan.” Pero ayaw itong gawin ng tagapagdala niya ng sandata, dahil takot na takot ito. Kaya kinuha ni Saul ang espada at sinaksak ang sarili.+
-