-
1 Hari 21:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Kaya umuwi si Ahab na malungkot at masama ang loob dahil sa sinabing ito ni Nabot na Jezreelita: “Hindi ko ibibigay sa iyo ang pag-aaring minana ng mga ninuno ko.” Humiga siya sa kama niya, nakatalikod sa mga tao, at ayaw niyang kumain.
-
-
1 Hari 21:20-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Sinabi ni Ahab kay Elias: “Nakita mo ako, kaaway ko!”+ Sumagot si Elias: “Nakita kita. ‘Dahil determinado kang* gawin ang masama sa paningin ni Jehova,+ 21 magpapadala ako ng kapahamakan sa iyo. Pupuksain ko kayo at lilipulin ko ang bawat lalaki* sa sambahayan ni Ahab,+ pati na ang mga hamak at mahihina sa Israel.+ 22 At ang sambahayan mo ay gagawin kong gaya ng sambahayan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat at gaya ng sambahayan ni Baasa+ na anak ni Ahias, dahil ginalit mo ako at pinagkasala mo ang Israel.’
-