-
Daniel 10:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Naiwan akong mag-isa, at nang makita ko ang kamangha-manghang pangitaing ito, naubos ang lakas ko at namutla nang husto ang mukha ko at nanlupaypay ako.+ 9 Pagkatapos, narinig ko siyang nagsasalita; pero habang naririnig ko siyang nagsasalita, nakatulog ako nang mahimbing na nakasubsob sa lupa.+ 10 Pero may humawak sa akin,+ at ginising niya ako at inalalayan para makaluhod.
-