24 At pumasok sila para mag-alay ng mga hain at handog na sinusunog. Nagpuwesto si Jehu ng 80 tauhan niya sa labas at sinabi niya sa mga ito: “Kayo na ang bahala sa kanila. Kapag may isa mang nakatakas sa mga taong iyon, buhay ninyo ang magiging kapalit.”*
19 Ipinahanap siyang mabuti ni Herodes, pero nang hindi siya makita, pinagtatanong nito ang mga guwardiya at iniutos na parusahan ang mga ito;+ at mula sa Judea ay pumunta si Herodes sa Cesarea at nanatili roon nang ilang panahon.
27 Nang magising ang tagapagbilanggo at makitang bukás ang mga pinto, hinugot niya ang kaniyang espada para magpakamatay, dahil iniisip niyang nakatakas ang mga bilanggo.+