23 Ang inyong langit ay magiging tanso, at ang inyong lupa ay magiging bakal.+24 Ang ulan mula sa langit na pababagsakin ni Jehova sa inyong lupain ay buhangin at alikabok, hanggang sa malipol kayo.
8Sinabi ni Eliseo sa ina ng batang binuhay niyang muli:+ “Pumunta kayo ng sambahayan mo saanman kayo puwedeng manirahan bilang dayuhan, dahil sinabi ni Jehova na magkakaroon ng taggutom+ sa lupain sa loob ng pitong taon.”
13 “Anak ng tao, kung ang isang bansa ay magkasala sa akin dahil nagtaksil sila, gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa kanila at aalisin ang kanilang suplay ng pagkain,*+ at pasasapitan ko sila ng taggutom+ at lilipulin ang tao at hayop doon.”+