-
2 Hari 2:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Kaya sinabi niya: “Ikuha ninyo ako ng isang bago at maliit na mangkok, at lagyan ninyo iyon ng asin.” Kaya dinala nila iyon sa kaniya. 21 Pagkatapos, pumunta siya sa pinagmumulan ng tubig at naghagis doon ng asin+ at nagsabi: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Nilinis ko na ang tubig na ito. Hindi na ito magiging dahilan ng kamatayan o ng pagkatigang.’”*
-
-
2 Hari 4:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pagkatapos, pumasok kayong mag-iina sa bahay at isara mo ang pinto. Punuin mo ng langis ang lahat ng lalagyan, at itabi mo ang mga punô na.”
-
-
2 Hari 4:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Kaya pumunta siya sa lingkod ng tunay na Diyos at sinabi niya ang nangyari. Sinabi nito: “Ipagbili mo ang langis at bayaran mo ang mga utang mo. Mabubuhay na kayong mag-iina sa matitira.”
-
-
2 Hari 6:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Habang pumuputol ng puno ang isa sa kanila, tumilapon sa tubig ang ulo ng palakol. Napasigaw ito: “Naku, panginoon ko, hiram lang iyon!” 6 Sinabi ng lingkod ng tunay na Diyos: “Saan iyon bumagsak?” Kaya itinuro nito sa kaniya kung saan. At pumutol siya ng isang piraso ng kahoy at inihagis iyon doon at pinalutang ang ulo ng palakol. 7 Sinabi niya: “Kunin mo.” Kaya inabot niya iyon at kinuha.
-