Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “‘Kung maging di-tapat* sa akin ang isang tao dahil humingi siya ng tulong sa mga espiritista+ at sa mga manghuhula,+ itatakwil ko ang* taong iyon at papatayin.+

  • Deuteronomio 18:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Hindi dapat magkaroon sa gitna ninyo ng sinumang nagsusunog ng anak niyang lalaki o babae bilang handog,*+ manghuhula,+ mahiko,+ naghahanap ng tanda,+ mangkukulam,*+

  • 1 Hari 16:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Hindi pa siya nasiyahan sa pagtulad sa mga kasalanan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat. Kinuha pa niya bilang asawa si Jezebel+ na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio,+ at nagsimula siyang maglingkod kay Baal+ at yumukod dito.

  • 1 Hari 18:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 at noong nililipol ni Jezebel+ ang mga propeta ni Jehova, 100 propeta ang itinago ni Obadias, 50 sa isang kuweba, at pinaglaanan niya sila ng tinapay at tubig.)

  • 1 Hari 18:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At ngayon, papuntahin mo sa akin sa Bundok Carmel+ ang buong Israel, pati ang 450 propeta ni Baal at ang 400 propeta ng sagradong poste,*+ na kumakain sa mesa ni Jezebel.”

  • 1 Hari 19:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kaya nagpadala si Jezebel ng mensahero kay Elias para sabihin: “Bigyan nawa ako ng mga diyos ng mabigat na parusa kung sa ganitong oras bukas ay hindi kita gagawing gaya ng bawat isa sa kanila!”

  • 1 Hari 21:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sinabi sa kaniya ng asawa niyang si Jezebel: “Hindi ba ikaw ang hari ngayon sa Israel? Bumangon ka, kumain ka, at maging masaya ka. Ibibigay ko sa iyo ang ubasan ni Nabot na Jezreelita.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share