-
2 Hari 14:26, 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Dahil nakita ni Jehova ang matinding pagdurusa ng Israel.+ Walang sinumang natira sa bayan, kahit ang mga walang kalaban-laban o mahihina, na maaaring tumulong sa Israel. 27 Pero nangako si Jehova na hindi niya aalisin sa lupa ang pangalan ng Israel.+ Kaya iniligtas niya sila sa pamamagitan ni Jeroboam na anak ni Jehoas.+
-