-
2 Cronica 25:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Dahil diyan, galit na galit si Jehova kay Amazias, kaya nagsugo siya ng propeta para sabihin dito: “Bakit ka sumusunod sa mga diyos na ito na hindi nakapagligtas ng sarili nilang bayan mula sa kamay mo?”+ 16 Habang sinasabi niya ito, sinabi ng hari: “Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari?+ Tumigil ka!+ Gusto mo bang ipapatay kita?” Kaya tumigil ang propeta, pero sinabi niya: “Alam kong ipinasiya ng Diyos na puksain ka dahil sa ginawa mo at dahil hindi ka nakinig sa payo ko.”+
-