-
2 Cronica 28:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Dahil dito, ibinigay siya ng Diyos niyang si Jehova sa kamay ng hari ng Sirya,+ kaya natalo nila siya. Kumuha sila ng maraming bihag at dinala nila ang mga ito sa Damasco.+ Ibinigay rin siya sa kamay ng hari ng Israel, na pumatay ng marami sa hukbo niya. 6 Si Peka+ na anak ni Remalias ay pumatay ng 120,000 sa Juda sa isang araw, lahat ay magigiting na lalaki, dahil iniwan nila si Jehova na Diyos ng mga ninuno nila.+
-