-
1 Hari 12:28-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Matapos humingi ng payo, gumawa ang hari ng dalawang gintong guya*+ at sinabi sa bayan: “Masyado kayong mahihirapan kung pupunta pa kayo sa Jerusalem. Heto ang Diyos mo, O Israel, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.”+ 29 Pagkatapos, inilagay niya ang isa sa Bethel,+ at ang isa pa, sa Dan.+ 30 Nagkasala sila dahil dito,+ at nagpupunta pa ang bayan sa Dan para sambahin ang guya na naroon.
-
-
1 Hari 21:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Walang sinuman noon ang naging gaya ni Ahab,+ na determinadong* gawin ang masama sa paningin ni Jehova, dahil sa panunulsol ng asawa niyang si Jezebel.+ 26 Ginawa niya ang pinakakarima-rimarim na bagay nang sumunod siya sa kasuklam-suklam na mga idolo,* gaya ng ginawa ng lahat ng Amorita, na itinaboy ni Jehova mula sa harap ng mga Israelita.’”+
-