Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 16:30, 31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Si Ahab na anak ni Omri ay mas masama sa paningin ni Jehova kaysa sa lahat ng nauna sa kaniya.+ 31 Hindi pa siya nasiyahan sa pagtulad sa mga kasalanan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat. Kinuha pa niya bilang asawa si Jezebel+ na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio,+ at nagsimula siyang maglingkod kay Baal+ at yumukod dito.

  • 1 Hari 22:51
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 51 Ang anak ni Ahab na si Ahazias+ ay naging hari sa Israel, sa Samaria, nang ika-17 taon ni Haring Jehosapat ng Juda, at namahala siya sa Israel nang dalawang taon.

  • 1 Hari 22:53
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 53 Patuloy niyang pinaglingkuran si Baal+ at niyukuran ito at patuloy na ginalit si Jehova na Diyos ng Israel,+ gaya ng ginawa ng ama niya.

  • 2 Hari 10:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Pagkatapos, nagpadala si Jehu ng mensahe sa buong Israel, at dumating ang lahat ng mananamba ni Baal. Walang isa man sa kanila ang hindi dumating. Pumasok sila sa bahay* ni Baal,+ at napuno ang bahay ni Baal hanggang sa magkabilang dulo.

  • 2 Hari 23:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Pagkatapos, inutusan ng hari ang mataas na saserdoteng si Hilkias,+ ang katulong na mga saserdote, at ang mga bantay sa pinto na ilabas mula sa templo ni Jehova ang lahat ng kagamitang ginawa para kay Baal, para sa sagradong poste,*+ at para sa buong hukbo ng langit. Pagkatapos, sinunog niya ang mga ito sa labas ng Jerusalem sa dalisdis ng Kidron at dinala ang abo ng mga iyon sa Bethel.+ 5 Pinaalis niya ang mga saserdote ng huwad na diyos, na inatasan ng mga hari ng Juda para gumawa ng haing usok sa matataas na lugar sa mga lunsod ng Juda at sa palibot ng Jerusalem, pati ang mga gumagawa ng haing usok para kay Baal, sa araw, sa buwan, sa mga konstelasyon, at sa buong hukbo ng langit.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share