30 “Kaawa-awa ang suwail na mga anak,”+ ang sabi ni Jehova,
“Na nagsasagawa ng mga planong hindi galing sa akin,+
Na nakikipag-alyansa, pero hindi sa pamamagitan ng aking espiritu,
Para dagdagan ng kasalanan ang kasalanan.
2 Pumupunta sila sa Ehipto+ nang hindi sumasangguni sa akin,+
Para manganlong sa proteksiyon ng Paraon
At sumilong sa lilim ng Ehipto!