-
Levitico 25:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pero sa ikapitong taon, dapat mong lubusang pagpahingahin ang lupain dahil ito ay isang sabbath para kay Jehova. Huwag mong hahasikan ng binhi ang iyong bukid o pupungusan ang iyong ubasan. 5 Huwag mong gagapasin ang mga tumubo mula sa natirang mga butil matapos ang pag-aani, at huwag mong titipunin ang bunga ng punong ubas na hindi napungusan. Dapat na lubusang pagpahingahin ang lupain sa loob ng isang taon. 6 Pero puwede ninyong kainin ang tutubo sa lupain sa panahon ng sabbath nito; puwede mo itong kainin, pati na ng iyong mga aliping lalaki at babae, upahang trabahador, at mga dayuhang naninirahang kasama mo,
-