-
2 Cronica 33:11-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Kaya pinasalakay sa kanila ni Jehova ang mga pinuno ng hukbo ng hari ng Asirya, at binihag ng mga ito si Manases gamit ang mga pangawit* at iginapos ng dalawang kadenang tanso at dinala sa Babilonya. 12 Sa paghihirap niya, nagmakaawa siya sa* Diyos niyang si Jehova at patuloy na nagpakumbaba nang husto sa Diyos ng kaniyang mga ninuno. 13 Patuloy siyang nanalangin sa Diyos, at naawa ang Diyos sa kaniya dahil sa mga pakiusap niya at dininig ng Diyos ang pagmamakaawa niya at ibinalik siya sa Jerusalem para muling maghari.+ At nalaman ni Manases na si Jehova ang tunay na Diyos.+
-