-
2 Cronica 34:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Habang inilalabas nila ang perang dinala sa bahay ni Jehova,+ nakita ng saserdoteng si Hilkias ang aklat ng Kautusan ni Jehova+ na ibinigay sa pamamagitan* ni Moises.+ 15 Kaya sinabi ni Hilkias sa kalihim na si Sapan: “Nakita ko sa bahay ni Jehova ang aklat ng Kautusan.” At ibinigay ni Hilkias kay Sapan ang aklat.
-