-
Marcos 8:6-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At pinaupo niya sa lupa ang mga tao. Pagkatapos, kinuha niya ang pitong tinapay, nagpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ang mga ito, at ibinigay sa mga alagad niya para ipamahagi, at ipinamahagi nila ang mga ito sa mga tao.+ 7 Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Pagkatapos manalangin,* sinabi niya sa kanila na ipamahagi rin ang mga ito. 8 Kaya kumain sila at nabusog, at nang tipunin nila ang natirang mga piraso, pitong malalaking basket ang napuno nila.+
-
-
Juan 2:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Punuin ninyo ng tubig ang mga banga.” Kaya pinuno nila ang mga iyon. 8 Pagkatapos, sinabi niya: “Sumalok kayo ngayon ng kaunti at dalhin ninyo sa nangangasiwa* sa handaan.” Kaya dinala nila iyon. 9 Tinikman ng nangangasiwa sa handaan ang tubig na ginawang alak. Hindi niya alam kung saan ito galing (pero alam iyon ng mga nagsisilbi na sumalok ng tubig). Pagkatapos, tinawag niya ang lalaking ikinasal
-