-
2 Cronica 28:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Tinipon din ni Ahaz ang mga kagamitan sa bahay ng tunay na Diyos; pagkatapos, pinagputol-putol niya ang mga kagamitan sa bahay ng tunay na Diyos,+ isinara niya ang mga pinto ng bahay ni Jehova,+ at gumawa siya ng mga altar sa bawat kanto ng Jerusalem. 25 At sa lahat ng lunsod ng Juda, gumawa siya ng matataas na lugar para sa paggawa ng haing usok sa ibang mga diyos,+ at ginalit niya si Jehova na Diyos ng kaniyang mga ninuno.
-