Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 36:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Si Jehoiakin+ ay 18 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya sa Jerusalem nang tatlong buwan at 10 araw; at patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova.+ 10 Sa simula ng taon,* ipinakuha siya ni Haring Nabucodonosor para dalhin sa Babilonya,+ kasama ang mahahalagang kagamitan ng bahay ni Jehova.+ At si Zedekias na kapatid ng kaniyang ama ang ginawa nitong hari sa Juda at Jerusalem.+

  • Jeremias 24:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Pagkatapos, may ipinakita sa akin si Jehova na dalawang basket ng igos na nasa harap ng templo ni Jehova, matapos ipatapon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang anak ni Jehoiakim na si Jeconias,*+ na hari ng Juda, kasama ang matataas na opisyal ng Juda, ang mga bihasang manggagawa, at ang mga panday;* dinala niya sila mula sa Jerusalem papuntang Babilonya.+

  • Ezekiel 17:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Pakisuyo, sabihin mo sa rebeldeng sambahayan, ‘Hindi ba ninyo naiintindihan ang ibig sabihin ng mga bagay na ito?’ Sabihin mo, ‘Dumating sa Jerusalem ang hari ng Babilonya, at kinuha niya ang hari at mga prinsipe nito at isinama sila sa Babilonya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share