-
Levitico 23:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Sa araw na iginalaw ang tungkos, dapat kayong mag-alay ng isang malusog na batang lalaking tupa na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog na sinusunog para kay Jehova. 13 Ang handog na mga butil na kasama nito ay dalawang-ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy. Ang handog na inumin na kasama nito ay sangkapat na hin* ng alak.
-