42 Nabihag ni Josue ang lahat ng haring ito at nasakop ang lahat ng lupain nila sa iisang kampanya ng pakikipagdigma, dahil si Jehova na Diyos ng Israel ang nakikipaglaban para sa Israel.+
45 Sinabi naman ni David sa Filisteo: “Lalabanan mo ako gamit ang isang espada at isang sibat at isang diyabelin,+ pero lalabanan kita sa ngalan ni Jehova ng mga hukbo,+ ang Diyos ng hukbo ng Israel, na ininsulto* mo.+
47 At malalaman ng lahat ng narito* na hindi sa pamamagitan ng espada o sibat nagliligtas si Jehova,+ dahil kay Jehova ang labanan,+ at kayong lahat ay ibibigay niya sa aming kamay.”+
15 Sinabi niya: “Makinig kayo, Haring Jehosapat at buong Juda at kayong mga taga-Jerusalem! Sinabi ni Jehova sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o masindak sa malaking hukbong ito, dahil ang digmaan ay hindi sa inyo, kundi sa Diyos.+